MAAGANG PASKO, HANDOG NG “BE CAREFUL WITH MY HEART REWIND” SA TFC
Tunay na nalalapit na ang panahon ng bigayan, kasiyahan, at pagpapatawad at buong galak itong sinasalubong ng well-loved couple na sina Maya (Jodi Sta. Maria), Ser Chief (Richard Yap), at kanilang pamilya sa sub-titled version ng Be Careful With My Heart Rewind ngayong November sa The Filipino Channel (TFC) worldwide.
Sa unang episode ng kilig-serye na ipapalabas sa November 2 (October 30, London time at November 1, Riyadh at Pacific time), magkakabati ang magkakapatid na Lim. Bilang peace offering ay nag-bake ng cake sina Abby (Mutya Orquia) at Nikki (Janella Salvador) para sa kanilang kuya Luke (Jerome Ponce). Nais na rin ni Maya na makipag-ayos sa kaniyang asawa na si Ser Chief na kaniyang nakatampuhan. Naghanda si Maya ng isang special song number sa tulong ng mga anak ni Ser Chief si Luke sa gitara, sina Abby, at Nikki sa vocals ng kantang Sorry na, Pwede ba? Labis na na-touch si Ser Chief sa ginawang ito ni Maya.
Selebrasyon ng Christmas Eve o Noche Buena naman ang bibida sa ikalawang episode ng sub-titled series na ipapalabas sa November 9 (November 6, London time at November 8, Riyadh at Pacific time). Katulad ng ibang selebrasyon ng Noche Buena, marami ang nagsisiawit ng mga Christmas carols, nagluluto ng pagkain, naglalagay ng regalo sa ilalim ng Christmas trees, at nagsisindi ng mga Christmas lights sa bawat kabahayan. Sa bahay naman ng mga Lim ay masayang nagbibigayan ng regalo ang lahat, pinakagulat sa lahat si Maya na niregaluhan niSer Chief ng brand new na kotse.
Tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng kapaskuhan sa ikatlong episiode ng sub-titled series. Tinawagan din ni Mayaang kaniyang pamilya sa San Nicolas para batiin ng Maligayang Pasko. Tuwang-tuwa naman ang mga anak niSer Chief sa kanilang natanggap na regalo mula sa ama mga bagong bisikleta. Ang episode na ito ay ipapalabas sa November 16 (November 13, London time at November 15, Riyadh at Pacific time).
Sa susunod na episode na ipapalabas sa November 23 (November 20, London time at November 22, Riyadh at Pacific time), tuturuan nina Nanay Teresita at Kute si Arturo (Pepe Pimentel) kung paano patakbuhin ang karinderya bago lumuwas ang mga ito sa Maynila upang salubungin ang Bagong Taon kasama sina Maya at Ser Chief.
Samantala, tinuturuan naman ni Ser Chief ang kaniyang mga anak lalo na sina Nikki at Abby kung paano sumakay sa bisikleta, na nagsilbing family bonding ng mag-ama. Nang dumating ang pamilya ni Maya mula San Nicolas ay nagkaroon ng munting salo-salo ang lahat. Napansin naman ng karamihan ang madalas na pagkahilo at pagduduwal ni Maya na nagpalakas ng kutob nila sa posibleng pagbubuntis ni Maya.Sa huling episode para sa buwan ng Nobyembre na ipapalabas sa ika-30 ng Nobyembre (November 27, London time at November 29, Riyadh at Pacific time), interesado pa rin ang lahat sa posibleng pagbubuntis ni Maya. Ipinaliwanag naman nina Maya at Ser Chief na hindi pa sigurado ang pagbubuntis kaya sinabi nilang huwag muna mag-expect ang lahat. Bilang paghahanda naman sa pagsalubong sa Bagong Taon o Media Noche, naisip ng mga kababaihan sa bahay ng mga Lim na salubungin ang bagong taon ng may bagong look. Ikinamangha at sobrang ikinatuwa naman ni Ser Chief ang bagong look ni Maya.
Siguradong magiging masagana ang magiging Pasko at Bagon Taon sa Lim household. Huwag palalampasin ang selebrasyon ng holiday season ng pamilyang minahal na ng bawat Filipino, saan man sa mundo, sa English sub-titled version ng Be Careful With My Heart Rewind ngayong November, tuwing Linggo (tuwing Huwebes London time at tuwing Sabado, Riyadh at Pacific time) sa TFC worldwide. Maaari ring mapanood ang kilig episodes sa official online service ng TFC, ang TFC.tv at sa video-on-demand o VOD service (Internet Protocol television o IPTV) ng TFC na available sa U.S.A., Canada, Europe, Australia, New Zealand, at Japan.
Para sa karagdagang updates, maaaring bisitahin ang www.facebook.com/KapamilyaTFC o i-follow ang @KapamilyaTFC sa Twitter o Instagram.