Kapamilya heartthrob Xian Lim will inspire viewers of “Maalaala Mo Kaya” (MMK) and make them cry this Saturday (August 9) as he portrays Johnny Medrano, one of the finalists of Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino 2014, who supports his family and serves his community despite an orthopedic impairment that rendered him unable to walk.
Discover how a differently abled man who experienced discrimination, maltreatment, and physical abuse from other people found the courage to live a normal life, and how he helped other differently abled people who have become victims of social injustice.
Also part of the episode are Isay Alvarez, Joey Marquez, Raine Salamante, Izzy Canillo, Kyline Alcantara, and Mary Joy Dalo. It is directed by Garry Fernando and written by Joan Habana. “MMK” is led by business unit head Malou Santos and creative manager Mel Mendoza-del Rosario.
Capturing the hearts of Filipino viewers all over the world for the past 23 years, “Maalaala Mo Kaya” has legions of fans from different generations who cried, laughed, fell in love, and got inspired through the real-life narratives of the show’ letter-senders.
Don’t miss the longest-running drama anthology in Asia, “MMK” every Saturday, 8pm, after “Wansapanataym” on ABS-CBN. For more updates, log on to MMK.abs-cbn.com, follow @MMKOfficial on Twitter, and “like” Facebook.com/MMKOfficial. Tweet your thoughts about this Saturday’ episode by using the hashtag #MMKStepUp.
-30-
Alamin kung paano labanan ang diskriminasyon ngayong Sabado…
XIAN GAGANAP NA PALABANG MAY KAPANSANAN SA “MMK”
Lalaking matapang na hinaharap ang mga hamon ng buhay sa gitna ng pisikal na kapansanan ang karakter na bibigyang-buhay ng Kapamilya heartthrob na si Xian Lim sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Agosto 9).
Gaganap si Xian bilang si Johnny Medrano, isa sa mga napiling finalist ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino 2014 na sa kabila ng kapansanan ay nagawang suportahan ang kaniyang pamilya at tulungan ang kanyang komunidad.
Tuklasin sa upcoming episode kung paanong ang isang taong minaltrato at naging biktima ng diskriminasyon at kawalang hustisya ay nagagawang mamuhay nang normal habang tinutulungan ang mga katulad niyang may kapansanan na dumaranas rin ng pang-aapi.
Tampok rin sa upcoming episode sina Isay Alvarez, Joey Marquez, Raine Salamante, Izzy Canillo, Kyline Alcantara, at Mary Joy Dalo. Ito ay sa ilalim ng direksyon Garry Fernando at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.
Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKStepUp.
-30-