Sa ikalawang pagkakataon, ipinakilala ng The Filipino Channel (TFC) ang mga global winners ng talent search nitong TFCkat para sa taong 2013 sa ilang ABS-CBN and TFC shows kamakailan. Ang TFCkat, ang first worldwide talent search, ng premyadong network, ay isang pagpapatunay sa Filipino talent na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
Ayon kay ABS-CBN North America Managing Director Olivia Finina de Jesus, “TFC as the network that exists for OFs, has always been there to accompany them in their journey overseas, connect them with family or herald their achievements. This year, this mission takes on more meaning as we are celebrating TFC’ 20th anniversary. With the theme ‘Galing ng Filipino (Forge Ahead with the Greatness of the Filipino)’ we hope to bring forth more of these milestones in more avenues.
Ayon kay ABS-CBN Europe and Middle East Managing Director Edgardo Garcia, “TFCkat has actually been providing the stage to showcase the Filipino talent since its launch in 2012.†Dagdag ni Garcia, “This year, the competition runs parallel with our celebration of two decades of TFC and our anniversary theme. ‘Galing ng Filipino’ speaks of the Filipino’ brilliance which we have witnessed so far and how TFC as a network always shares this with the world through our platforms.â€
Ayon kay ABS-CBN Asia Pacific Managing Director Ailene Averion: “The Philippines abounds with Filipino talents from singers to dancers and TFCkat is the perfect platform that provides the venue to showcase these talents. When we were searching the world for great Filipino talents, we did not only find the best in each region but also a range of voices that are as varied as the cultures of their second homes.â€
Ano mang ang kanilang genre, tunay na namamayagpag ang TFCkat winners. Pambato ng North America (NA) ang 22 year-old na si Katherine dela Cruz na kayang bumirit ng OPM hits at Broadway hits mula sa kaniyang mga paboritong tulad ni Lea Salonga. Pinakabata man sa grupo, isa naman siya sa may pinakamatinding vocal prowess.
Ayon sa Calfornia resident, gusto niyang ma-inspire ang mga tao sa kanyang music. Isa pang winner mula sa NA ang 26 year-old na si Jenessa Escabarte. Nagsimula siyang umawit sa murang edad na 10 at kitang-kita ito sa kaniyang pag-awit. Tulad ni dela Cruz si Salonga rin ang kanyang idolo. Sa kabilang banda naman, nagsimula lamang umawit noong high school si Charlie Catbagan ng Guam.
Kung hindi pa kinumbinse ng kaibigan, hindi susubukan ng 26 year-old na si Catbagan ang pag-perform. Ngayon, sa kaniyang pag-awit ng covers, parang siya na rin mismo ang original performing artist.Tuluy-tuloy ang galing ng mga TFCKat winners sa Europa at Asya. Pag-akyat pa lamang sa stage ang half-Filipino, half-French na si Vanessa Monot ay mapapatingin na ang audience sa kaniya dahil sa kaniyang height at European features. Ngunit sa kaniyang finals performance, pinatunayan ni Monot na may ibubuga siya dahil sa kaniyang kakaibang timbre ng boses at choice ng alternative music.Sa karatig na bansa ng Middle East, halos pareho ang timbre ng boses ng 27 year-old na si Ana Blaza mula sa United Arab Emirates. Humigit-kumulang five feet si Blaza ngunit standout siya kahit saang lugar, lalo na sa “ASAP Live in Dubai†kung saan nangibabaw ng kaniyang galing at kung saan itinanghal siyang champion. Simple lamang daw siya kung tutuusin ngunit higit pa sa simple ang kaniyang boses. Mula sa Europa hanggang Asya, hitik naman sa talento ang mga Pinoy sa Australia at New Zealand. Matapos ang matinding finals competition, si Giselle Hernandez ng Sydney ang nanaig. Professional singer na halos ang 24 year-old na si Hernandez bago pa ito pumasok sa TFCKat. Kapag hawak na niya ang microphone at nag-perform sa stage, hindi maitatanggi ang level ng performance ni Hernandez. Ayon sa kaniya, inaako niya ang mga kanta na para bang orihinal niya itong mga awitin.Sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas, napahanga ng TFCkat winners hindi lamang ang hosts kung hindi pati ang Total Performer na si Gary V. Sa kanilang unang stop sa “Ready Get MOR,†nagpalitan ng masayang kuwentuhan at kantahan ang hosts na sina DJs Toni, Chikki Boom Boom at Pappi Charlz at ang winners.
Sa kabilang banda naman sa DZMM, nag-perform ng OPM hits ang winners sa programang “Sakto†nina Marc Logan at Amy “Tiyang Amy†Perez. Naging bahagi rin sila ng selebrasyon ng birthday ni Tiyang Amy at naghandog pa sila ng isang birthday song para sa host.
Bandang hapon sa kanilang tour, nag-guest din ang winners sa kauna-unahang online chat ng TFC.tv, ang “Kapamilya Love Chat†ni DJ Cha Cha. Bilang highlight ng kanilang tour sa ABS-CBN, nag-sample naman ang contestants sa variety hit na “It’ Showtime,†kasama ang hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Billy Crawford. Sa isang segment, chinallenge ng hosts ang winners na sina Catbagan at dela Cruz na kantahin ang “Somewhere,†na ni-revive ni Angeline Quinto para sa teleseryeng “Ikaw Lamang.â€
Bilang pinaka-highlight ng kanilang homecoming, sinorpresa ng TFC20th anniversary Ambassador na si Gary V ang winners sa kanilang recording ng anniversary theme ng network na “Galing ng Filipino.†Binahagi ni Valenciano ang ilang tips para sa kanilang journey sa music industry. Kumumpleto naman sa kanilang pagbisita sa Pilipinas ang kanilang pagdalaw sa Children’ Village sa Calamba, Laguna (Luzon Island) kamakailan.Saan man sa mundo, sa ano mang pagkakataon, ipinagpapatuloy ng TFC ang ‘Galing ng Filipino.’ Panoorin ang TFkat winners sa “TFCkat: A Journey to the Philippines†sa TFC ngayong Nobyembre. Panoorin ang kanilang ibang performances worldwide sa official online service ng TFC, ang TFC.tv at sa video-on-demand service ng TFC sa North America, Europe, Australia, New Zealand and Japan. Connect with fellow global Filipinos, visit www.facebook.com/KapamilyaTFC or follow @KapamilyaTFC on twitter and instagram.