Bilang bahagi ng 20th anniversary celebrations ng TFC at bilang pagbibigay pugay sa “Galing ng mga Filipino,†ibang level ng entertainment ang hatid ng premyadong network sa katatapos lamang na “Galing ng Filipino: A TFC 20 Celebration.†Hindi matatawaran ang performances ng Kapamilya stars sa world-class venue na Star Performing Arts Centre, Star Theatre sa Singapore para sa mga overseas Filipinos na tinaguriang “Bagong Bayani.â€
Ayon kay Ailene Averion, ABS-CBN Asia Pacific Managing Director, layunin ng event na pasalamatan at saluduhan ang mga “Bagong Bayani†sa pamamagitan ng world-class presentations ng ilang Kapamilya stars at sa isang venue na kilala hindi lamang sa Singapore ngunit pati na rin sa buong mundo, ang Star Theatre, kung saan nakapagperform na rin ang mga sikat na performers gaya nina David Foster at Tony Bennett. Ayon kay Averion“’Galing ng Filipino’ the event is the first time we have moved to this kind of world-class venue in Singapore. We asked the artists to challenge themselves as entertainers and provide unparalleled performance fitting of the venue and most of all, of our beloved kababayans, and they delivered. I am proud to see our own Filipino talents shine with the same kind of set-up as those who have performed here and even beyond. The Filipino artist is truly great.â€
Ang mga Kapamilya stars, sa pangunguna ni TFC 20 Ambassador na si Gary Valenciano ay nagbigay-pugay sa mga masisipag at matatag na mga overseas Filipinos sa Singapore, na kilala rin sa tawag na mga “Bagong Bayani†dahil sa patuloy nilang pagsusumikap para sa kanilang mga pamilya at para na rin sa bansa. Sinimulan ang selebrasyon ng rendition ng comedienne-singer na si Giselle Sanchez ng iconic na awiting “Proud Mary.†Naghiyawan ang lahat nang hinarana ni Sanchez ang mga manonood lalo na ang kalalakihan sa kaniyang Original Pilipino Music (OPM) rendition ng “Hoy, Lumapit Ka†at sa pagtawag niya sa isang lalaki para samahan siya sa entablado. Performance level din si Sanchez sa pagkanta ng Broadway hit na “Mama Mia.â€
Pinamalas din sa mga manonood ang isa pang kakaibang level ng performance sa pamamagitan ng Hollywood Performing Arts Hall of Famer na si Jed Madela. Inawit ni Madela ang kaniyang version ng classic OPM na “Pusong Bato†na mula rin sa sikat na fanta-serye na “Juan Dela Cruz†at ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin†na mula sa drama series na may parehong titulo. Napasabay sa awitin at napasayaw naman ang mga audience sa grand 50s medley na “Great Pretender,†“Only You,†“Smoke Gets In Your Eyes,†“Diana,†at “One Way Ticket†na may Voltes 5twist sa ending.
Isa pang world-class performance ang hinatid ng “Galing Ng Filipino†event sa pagentrada ng Queen of Teleserye Theme Songs Angeline Quinto at sa pagperform niya sa theme ng sikat na TFC show na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon.†Pinatunayan ni Quinto na maituturing nga siyang music royalty nang awitin din niya ang “Queen of the Night†na pinasikat ng namayapang si Whitney Houston. Naghiyawan naman ang audience nang awitin ni Quinto ang “Halik†ng Aegis. Sinamahan naman ni Sanchez si Quinto para sa duet performance ng “Put Your Heads On My Shoulder†na may temang pang-‘throwback.
’
Umigting pa lalo ang energy sa venue na pinuno ng humigit-kumulang 2,000 na Filipino sa pagpasok ng Total Performer Gary V na inawit ang kaniyang mga pinasikat na “Di Bale Na Lang†at “Shout For Joy.†Pinaluha rin ni Gary V ang audience sa kaniyang awitin na “How Did You Know†at medley ng sikat na mga teleserye theme songs. Sinamahan din ni Madela ang Mr. Pure Energy para sa isang powerhouse duet na “Hard Habit To Break†ng Chicago. Bilang pagtatapos ay ibinahagi ni Gary V ang theme song ng TFC 20th anniversary, ang “Galing Ng Filipino†na isang pagpapatunay sa abilidad ng Pinoy na maitawid ang bawat pagsubok at manaig para sa mga taong mahahalaga sa kaniya.
Ang “Galing ng Filipino: A TFC 20 Celebration†ay inihatid ng TFC kasama ng Western Union at Cebu Pacific, at sa pakikipagtulungan ng Hello Asia, Jollibee Padala, Camella Homes, Philippine Airlines, Pag-IBIG fund, RCBC Telemoney, Metro Remittance (Singapore) Pte. Ltd., Academy of Rock, Megaworld, GoldMed, at Philippine National Bank (PNB) Singapore Branch.
Maki-connect sa mga bagong bayani saan man sa mundo! Para sa karagdagang detalye, bisitahin angwww.facebook.com/TFCSingapore o i-follow ang @KapamilyaTFC sa twitter at Instagram.