After more than a year of absence from the limelight, JM de Guzman finally makes his acting comeback on television via the hit legal drama anthology “Ipaglaban Mo” this Saturday (August 9).
In the said episode, JM (Andoy) plays a fish porter, who led 30 of his co-workers in a labor rights protest and filed a complaint against their employer for not giving them special pays and incentives despite having worked at the company for three years.
As a result, Andoy and his group were fired from their jobs, but they continued their legal battle. They sued the company again for illegal dismissal and violation of Article 118 of the Labor Code, which states that it is unlawful for employers to discharge any employee who has filed any complaint against them.
The Labor Arbiters took the side of the employer, but the National Labor Relations Commission (NLRC) reversed the first decision and ordered the management to give the fish porters their job back, pay their back wages, and grant them special pays and incentives.
However, the employer then filed a petition with the Supreme Court to junk the NLRC’ decision. What was the final decision of the court in this case? Did Andoy and his co-workers find justice after the twist and turns of their battle for their rights?
Also joining the cast in this week’ episode titled “Ibigay Ang Aming Karapatan,” directed by Garry Fernando, are Yam Concepcion, Leo Rialp, Bryan Santos, Ketchup Eusebio, and Janus del Prado.
Don’t miss “Ipaglaban Mo,” the drama anthology that empowers Filipinos with knowledge of their legal rights and obligations, hosted by Atty. Jose Sison and Jopet Sison, this Saturday (August 9) after “It’ Showtime” on ABS-CBN. For more updates follow @IpaglabanMo2 on Twitter, @IpaglabanmoABSCBN on Instagram, and like the Facebook page www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.
JM DE GUZMAN, BALIK PAG-ARTE SA TELEBISYON SA “IPAGLABAN MO”
Matapos ang lampas isang taon niyang pamamahinga sa showbiz, muli nang nagbabalik si JM de Guzman sa pag-arte sa telebisyon sa pamamagitan ng legal drama seryeng “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Agosto 9).
Sa naturang episode, isang palaban ngunit may paninindigan na kargador ng isda ang papel na gagampanan ni JM (Andoy). Pinamunuan ni Andoy ang pag-aaklas ng mga kasama sa trabaho at paghain ng reklamo laban sa kumpanyang pinagsisilbihan nila ng tatlong taon dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng special pays at incentives na nakasaad sa batas.
Dahil dito, sinibak si Andoy at 30 pang empleyado ng kumpanya. Dinagdagan naman nina Andoy ang reklamo ng kasong illegal dismissal at paglabag sa Article 118 ng Labor Code na nagsasabing labag sa batas ang pagpapatalsik sa mga empleyadong naghain ng reklamo laban sa employer.
Sa una ay pinanigan ng Labor Arbiters ang kumpanya, ngunit kalaunan ay binaliktad ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang naunang desisyon at ipinag-utos na ibalik sa trabaho ang mga kargador, bayaran sila ng back wages, at ibigay sa kanila ang kaukulang incentives.
Ngunit hindi pa pala roon matatapos ang laban nila Andoy dahil naghain ng petisyon ang kumpanya sa Supreme Court na ibasura ang desisyon ng NLRC. Ano ang naging huling desisyon ng korte sa kaso? Nakamit ba nina Andoy ang inaasam na hustisya bilang mga manggagawa?
Bahagi rin ng episode na pinamagatang “Ibigay Ang Aming Karapatan” na idinerehe ni Garry Fernando sina Yam Concepcion, Leo Rialp, Bryan Santos, Ketchup Eusebio, at Janus del Prado.
Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo,” ang gabay ng mga Pilipino sa kanilang karapatan at obligasyong legal, kasama sina Atty. Jose Sison at Jopet Sison, ngayong Sabado (Agosto 9) pagkatapos ng “It’ Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @IpaglabanMo2 sa Twitter, @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, at i-like ang Facebook page nito na www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.